Try lang
Sa kauna-unahang post ko, inamin kong di ako marunong magbisikleta at lumangoy. Eto ang update: Di pa rin ako marunong. Ewan ko ba, ang dapat ko yatang matutunan ay paano ba tumapang para di na ako matakot magasgasan ng braso sa pagbibisikleta o di matakot na malunod sa paglangoy. Pero sabagay, kailangan ko ba talagang matutunan yung dalawang iyon? Wala naman akong bike at wala naman kaming swimming pool sa bahay. Sabi nga ni Gary V, di bale na lang. At least marunong na akong mag-blog.
Malapit nang mag araw ng mga puso. Bakit ganon? Kung may araw ng mga puso, di ba unfair yun sa baga, atay, at bituka? Importante din naman sila. Sige, try mong ipantanggal kahit isa sa kanila at tingnan natin kung magbirthday ka pa. Di lang nga cute ang shapes nila para ipandecorate sa mga cards at ipanghulma sa mga chocolates. Kahit yata crush ko ang magbigay sa akin ng card na korteng baga, baka di ko ikatuwa. Malamang ang dedication nun, “You’re the reason I breathe.” On the second thought, kung gusto ko pala siya, okay lang iyon.
Nakita ko pala si Michael V two weeks ago sa Podium. I really like his humor. Naka-tshirt at maong lang siya. Simpleng-simple lang ang dating niya kaya halos di ko siya mapansin nang magkasalubong kami. For one second naisip kong magpapicture kasama niya kaso naisip ko, “Beng, nasa Podium ka. Isipin mo na lang artista ka din na nagma-malling.” So ayun, napigilan ko ang sarili ko at ginawa na lang ay magtext sa ilang kaibigan tungkol sa celebrity apparition na nakita ko.
Hanggang dito na lang muna ang Tagalog post ko. Nagkuwento lang po ako, mga kaibigan. I’m not sure if it’ll stay posted here for long. Malamang after ilang days, makornihan ako sa sarili ko at tanggalin ito. But it wouldn’t hurt to try to do this once naman, di ba? Besides, I’m taking my own advice about giving in to some of my impulses or I won’t be able to do it, ever. In this case, writing in our native language. Because for all I know, the desire to do something this unusual will be gone before... I even finish writing this post. There. I’ve just proven myself right. But hey, I enjoyed doing this post somehow. Just like eating cotton candy. No nutritional value but all fun.
22 comments:
Pakiusap lang, huwag mong burahin ang kwentong ito. Kakatuwa kasi, hehehe! =)
korek! nakakatuwa ito, ate beng! :D kakaiba ka talaga, sa humor at pag-iisip! hihihi ;) nawa makabasa pa ko ng mga ganito mula sayo. :D
Hi Karina, dahil sa sinabi mo (my reliable source), di ko na tatanggalin. Salamat. :)
Glads, hayaan mo, magsusulat pa ako ng ibang walang kwentang post pag may pagkakataon. hehe. Pero nothing can beat your poetic post. ;)
Congrats. Ang tagal ko na rin gustong magsulat ng tagalog pero hindi ko magawa.
Taglish pa rin ang post mo Ms. Beng. he he.
Ewan ko ba kung makagawa ako ng purely Tagalog post, di naman ako taga-luzon. At ang baba ng grades ko nuon sa mga Pilipino subjects.
Anyway, Happy Hearts day! God bless!
Salamat, Swipe. Sige, minsan subukan mo ding magsulat ng tagalog. Siguro nakakamiss din magsalita ng Tagalog 'no?
Hi Lazarus, Medyo taglish nga kasi mahirap talaga mag purong Tagalog eh. Ang balon na aking pagkukunan ng mga salita ay di ganoon kalalim. Ang pinagsalukan ko lang ng mga ginamit ay mula sa tubig-baha.
Taga-saan ka nga originally? Sa Cebu (kaya kilala mo si Lynnie)?
Salamat sa Valentine's greeting. :)
ate beng, winner ang post na ito! natawa ako dun sa thought na bakit araw lang ng mga puso--walang araw ng mga atay, baga, etc?
winner ka talaga, te beng!=D
Hi Daph, thanks for visiting. Now I have another thought. Kung may "appendix day" it should fall on february 29. Bakit? Kasi okay lang na wala siya. The year, just like life, still goes on. :)
Actually, I've written three entries in Tagalog. I just never got around to publishing it because it seemed too corny and contrived.
Fortunately, pinoy ang house mate ko kaya araw-araw akong nakakapag-Tagalog.
Grabe, Beng. Good job, di ko yata kaya to, baka first paragraph pa lang, ubos na tagalog ko. Hehe! Enjoy post mo! :)
Dito sa Cebu ako isinilang at lumaki. Hanggang ngayon, nandito pa rin.
Eto rin ang huling tanong mo sa akin mga ilang buwan ng nakaraan. :)
Hi Swipe,
Mabuti naman at napapraktis mo pa rin ang Tagalog mo para pag-uwi mo dito may mas masasabi ka maliban sa "How ya doin, mate?"
Tungkol saan ang Tagalog entries mo? Hula ko kahit isa dun tungkol sa pag-ibig. Game na!
Hi Gypsy,
Subukan mo minsan.Palagay ko kaya mo rin kasi nakakausap naman kita ng Tagalog eh. Masaya din naman siya gawin, di ko lang pwedeng gawin araw-araw. Mas madaling magsulat sa English.
Hi Lazarus,
Forgive the "dorian" in me (see March 30,2006 entry under daily life).
San-o ka magkagto diri sa Manila, dong? Silingan lang ko at kagto ka sa ofc namon. Hatagan kita ng isa ka book (that was me trying to speak another dialect. Believe me, tho it's wooden I know what I said). :)
Hahaha! I'm not laughing at your tagalog entry (quite the contrary, wagi sya!) - the guffaw is for ur cute amalgam of cebuano-ilonggo-tagalog in response to lazarus :)
kakatuwa 'tong post. more! more! more!
Hi sillyserious, sabi na nga ba may mali sa translation ko eh.hehe. Pero at least naintindihan mo ha. :) Ok na yun.
Believe me, I have many other silly thoughts. I just choose not to let them see print--in cyberspace or on paper. Dahil baka wala nang maniwala na may serious side din ako.
Ang mga sinulat kong mga salalaysay sa tagalog ay tungkol sa pang-aaraw-araw na pamumuhay dito sa Australia. Yung isang muntik ko ng i-publish sa blog ko at tungkol sa isang araw na may pinuntahan akong panayam pero nakalimutan ko ang pitaka ko sa bahay. buti na lang at may beinte ko sa bulsa ko at nakapunta ako sa panayam at nakakain pa ko ng tanghalian. may natira pang barya sa kin na quatro. inihalintulad ko sa kung ano ang mangyayari sa kin sa Pinas kung makalimutan ko ang pitaka ko papunta ng opisina.
Hi Swipe, I almost missed this comment. Kailan nangyari itong panayam na ito? Ito ba ay para sa kumpanya kung saan naroon ka na ngayon? Sige na, ipublish mo na. Wala namang mawawala sa iyo. Maaaliw pa kami. Tsaka para mapatunayan sa mas nakakarami na di lang sa Math at English ka magaling. ;)
Gusto kong malaman paano mo inihalintulad ang nangyari sa iyo kung sa Pilipinas nga ito nangyari.
PS: Asan na ang pictures? hehe.
Ako din, nag-enjoy sa blog na ito, kahit na huli ang pagbisita. hehe!
Hey Ms. Beng, saan ba banda sa Manila ang OMF?
Illongo man imo pamangkot sa akon? Kaintindi lang ko gamay pero dili kabalo maghambal. Iba man illongo sa cebuano.
Hi Ben,
At least naabutan mo siyang medyo "fresh" pa siya dahil wala pa akong new post (I unposted what should have been the latest one). Blog on!
Hi Lazarus,
Ay ti, iba man gyud! Tonto ko ya. Anyway, di ko na ipapahiya sarili ko. Our office is near EDSA, along Boni avenue. You won't miss it. Walking distance from MRT. :) You could even ask Lynnie. Balitaan mo ako if and when you are in Manila.
magandang araw, matagal na akong hindi nakabisita sa blog mo at ngayon lang uli ako nagka-ideyang pumarito...
mag-bisikleta? hmmm..punta ka sa Amsterdam para maranasan mo kung gaano kasiya-siya ang opisyo ng pagbibisikleta! Pero kagaya mo, hindi pa rin ako marunong lumagoy sa siyentipikong pamamaraan. Ang alam ko'y tinatawag naming mga bisayang "sinuba" --and salitang suba'y gamit naming pantukoy sa ilog ng mga tagalog...bara-bara kung tawagin ng iba:) marunong ka na rin palang mag-hiligaynon...konting praktis na lang, makukuha mo na ang tamang indayog....:)
HI Romel, kamusta ka na? Pumunta ako sa blog mo, parang ang exciting ng buhay mo diyan sa ibang bayan. You're one of the people who make our country proud. They must be wondering out there how Filipinos could use English so fluently.God bless sa pag-aaral mo. :)
Siguro matututo lang ako magbike kapag hiningi ng pangangailangan. Ganun din siguro sa paglangoy.
Marunong ako magsalita ng konti (broken Bisaya nga at nagpaghalo-halo ko na sila lahat.) Basta, di ako mabaligya diin man ko maglagaw sa Bisaya. Mas nakakaintindi than nakakapagsalita. One half of me, Visayan origin.
Sulat ka pa tungkol sa pang-araw-araw mong buhay diyan. Interesting. :)
Post a Comment